Sunday, February 17, 2008

pangarap

two weeks na ko sa Arcinas & Arcinas Law. Ok naman. Masaya dahil kaunti pa work ko, tapos sa 3rd floor ay show room ng Yonex at pwedeng bumili ng discount up to 70%. madaming kainan sa mismong retiro, at malapit pa ang banawe. kung tutuusin parang pinaghalong Ongpin at Jupiter street ang Retiro, kung kaya tinawag ang area nito na Chinatown ng QC. sa bandang la loma ay nakahilera ang mga lechon. dito daw nagsimula ang mga "Big Names" na law firms bago pa man sumikat ang Escolta pagkatapos ng pangalawang digmaang pandaigdig, at bago pa man nagsilipatan sila sa Makati.

sa ngayon ang ginagawa ko eh pawang puro pleadings. naiisip ko tuloy na hinahasa ako para sa litigation. Litigation lawyer. Wow. sana naman makabuo ako ng korporasyon, matutunan ko man lamang yun at makaipon ng substansyal na halaga eh magtatayo na kame ng sarili naming kalakal ng mga barkada ko. hindi malayong ang aking propesyonal na buhay ay malalaan sa tatlong bagay... ang batas, kalakas, at pagtuturo. sa ngayon bibitawan ko muna ang pangarap kong lumuklok sa kataas-taasan hukuman o sa Office ng Solicitor General (syet. I love the sound of that... "The Solicitor General, for the public respondents. Petition for Review on Certiorari.")

balang araw gusto ko muling mag-aral at magkaruon ng MBA, LL.M, DCL, o Ph.D. ewan natin. gusto ko rin mag-aral sa Madrid ng Leyes Civil Castillano. Gusto ko ring mag-aral ng wikang pranses, italiano, mandarin, hookien at portuges.

ang dami kong pangarap. masarap mangarap.

msarap ang mangarap...

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home