Ngayon ko lang nakita ang iskulturang yelo na ito nang tiningnan ko ang friendster groups ng Batch namin ng Law. Kuha ito sa Manila Hotel sa buffet table. Hindi ko ito nakita, o malamang, nakita ko man, hindi ko napansin dahil mga ngarag moments namin.
Tulad ng mga ganyang bagay, madami kameng hindi na-appreciate dahil sa kasagsagan ng aming mga utak dahil sa pagod, takot at kaba. At ngayon ko lang na-appreciate na may nag-effort na gumawa ng ganito para lang sa amin.
Heto ang isa sa mga masasayang moments sa bar, isang buong batch nagkakainan, tumatambay sa poolside, tawanan, iyakan, takutan... yung best and worst namin lumabas.
Nabalitaan kong na-stroke si Dean Benips habang nagle-lecture sa Iloilo. Pinagdadasal kong gumaling siya, kasama ng laksa-laksa niyang mga mag-aaral dahil kailangan siya ng Facultad de Derecho Civil. Kailangan namin siya na bilang sandigan sa panahong kame ay kukuha na ng oath namin. We are not only making ourselves proud, but also The Honorable Justice and Former Solicitor General, our Dean, if we pass the bar.
This is a great man. He has plenty to share with the future lawyers and law students. He must recover from his stroke. His presence and his thundering voice, like that of grand paterfamilias evokes both kindness and discipline; He must recover. Thus:
WHEREFORE, premises considered, it is most respectfully prayed that our petition be granted. Such other reliefs just and equitable under the premises are likewise prayed for.
The City of Malabon for the City of Heaven, February 23, 2008.
Labels: Buhay Barrista, Random Stuff
0 Comments:
Post a Comment
<< Home